Live a Little

Ako si Louise. Isang mag-aaral ng Agham Pampulitika sa Unibersidad ng Pilipinas hangga't 'di pa ako nito sinisipa, (Mukang 'di na naman at pinagchachagaan na lamang ako ng aking departamento. Salamat UP). Madalas gumawa ng mga perpektong eksena sa aking isipan at mangarap ng gising na nakatulala sa hangin. Isang koala noong nakaraang buhay (pagkain lang ang makapagmomotivate sa'kin upang maligayang tahakin ang outside world). Mahilig magpicture-picture ng kung anumang mapusuan gamit ang aking handy-dandy point and shoot... cellphone. Isang hopeless romantic na ilan beses nang iniyakan ang "A Walk to Remember", "No Strings Attached", maging ang anime na "Honey & Clover". Nagnanais na maglakbay at tuklasin ang mundong aking kinagagalawan. Pero wala pa'kong funds kaya eto pakalat-kalat muna ako sa Maynila (lalo na kapag gutom.. motivation nga kase ang pagkain).

Kung may mga katanungan pa kayo, 'wag mahiyang itanong sa'kin o pwede ding mag-GMG na lang. Ano ang GMG? iGoogle mo, Ga~*tooot* (isang aral na natutunan ko kay Lourd de Veyra, may point naman kasi, ika nga niya, "nagtatampisaw tayo sa baha ng impormasyon"). Anyway, salamat sa pagbabasa ng aking walang kabuluhang introduksyon, nawa'y ma-enjoy niyo ang aking munting espasyo sa cyberspace.
Whaddya Wanna Know? :)